Paninindigan ng Pilipinas sa interes ng bansa at sa independent foreign policy, naging tampok sa Independence Day message ni DFA Sec. Manalo

Nanindigan ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa commitment nito sa pagpapatupad ng independent foreign policy para sa interes ng Pilipinas.

Sa kanyang mensahe sa Araw ng Kalayaan, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo na ang kaparehong katapangan na ipinakita sa Katipunan ang siya ring nagpapairal sa foreign service ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Manalo na ang dugong nananalaytay sa bawat Pilipino para sa ating kalayaan ang siyang nagpapalakas sa diplomats ng Pilipinas sa pagprotekta ng soberenya ng bansa.

Ayon kay Manalo, hindi rin dapat kalimutan ng mga Pilipino katangi-tanging naging papel ng Pilipinas sa kasaysayan ng Asya kung saan pinapahalagahan ang demokrasya, universal human rights, freedom, sovereignty, at self-determination

Dapat din aniyang ipagmalaki ng mga Pilipino ang kontribusyon ng Pilipinas sa buong mundo sa pagsuporta sa international law at sa rules-based order kung saan gumuhit ang Pilipinas ng sarili nitong landas patungo sa kadakilaan.

Facebook Comments