Sunday, May 17, 2026

Paniningil sa toll ng Cavitex Segment 3B, hindi tuloy ngayong araw

Hindi natuloy ngayong araw ang pagsisimula ng toll collection sa bagong bukas na Cavitex Segment 3B.

Nauna na kasing inanunsiyo ng Toll Regulatory Board na ngayong Martes mag-uumpisa na ang pangongolekta ng toll sa kahabaan ng bagong bukas na segment ng Manila-Cavite Expressway.

Sabi ni Philippine Reclamation Authority Chairman Atty. Alex Lopez, hindi pa napapanahon ang anunsiyo ng TRB dahil nasa gitna pa rin ng krisis ang bansa at marami pang dapat ayusin sa kahabaan ng expressway.

Binuksan ang 2 kilometrong expressway na nagkokonekta sa Cavitex mula Parañaque City patungong Taguig City matapos pasinayaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at libreng nadaanan sa buong buwan ng Abril

Sa ngayon, wala pa anilang pinal na desisyon ang project committee ng Manila Cavite Toll Expressway para sa pangongolekta ng toll.

Ngayong araw nang buksan sa mga motorista ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Subsection 3 mula Biñan, Laguna papuntang General Trias, Cavite na ininspeksiyon kahapon nina PBBM katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments