Paninisi ni Pangulong Duterte sa mga Maranao kaugnay ng Marawi Crisis – pinalagan

Mindanao – Pinalagan ng opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao ang paninisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Maranao sa nangyayaring gulo ngayon sa Marawi City.

Matatandaang ilang beses na sinabi ng Pangulo na galit siya sa mga kapwa niya Maranao dahil hinayaan ng mga itong makapasok sa Marawi ang mga terorista.

Pero ayon kay ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong – hindi naman kaya ng mga sibilyan na manghimasok sa planadong pag-atake ng Maute Terror Group.


Aniya, posibleng hindi rin ito napansin ng mga Maranao dahil naghahanda sila sa pag-aayuno noong Ramadan nang pumutok ang bakbakan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments