Panoorin: Pagkanta ng ‘I love you baby’ ng batang binabakunahan para hindi masaktan

1461

Marami ang naaliw sa 6-anyos na batang lalaki nang kumanta ito ng ‘I love you baby’ habang iniindyeksyunan isang paaralan sa Labrador, Pangasinan.

Sa video na ibinahagi ng guro ng bata na si Donnalyn Orjalo Laguidao, makikitang kumakanta ito habang umiiyak at sumisigaw nang isagawa ang naturang pag-iinject.


Makikita rin na yakap na yakap ito sa kanyang ina habang umiiyak at kumakanta  na tila natatakot pa.

Matutunghayan naman ang isang babaeng nakaupo na pinagagaan ang loob ng bata habang hinahawakan ito sa braso.

Matapos ang isinagawang pag-iinject ay nagpalakpakan ang ilang nanonood sa bata.

Samantala, ang naturang video ay nakunan habang nagsasagawa ng bakuna kontra tigdas para sa mga estudyante sa Dulig Elementary School.

Facebook Comments

From Advertisers