PANOORIN: Star Wars rondalla rendition ng mga estudyante sa Bulacan

217
Screenshot via Facebook/Marco Ignacio

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang rondalla rendition ng Star Wars music theme na ibinida ng gurong si Marco Ignacio at ilang mga estudyante mula sa Fortunato F. Halili National Agricultural School sa Sta. Maria Bulacan.

Sa Facebook post ni Ignacio noong Biyernes, mapapakinggan ang mala-concert performance ng kaniyang mga mag-aaral sa klasikong tugtugin.


Kuwento ni Ignacio, kasama din niya sa pagtuturo ang kapwa-titser na si Anthony Ryan Cruz.

Dagdag pa ng maestro, naging matagumpay ang pagtatanghal ng mga mag-aaral dahil sa pagbuhos ng suporta ng kanilang principal na si Cesar Valondo at department head na si Eduardo Giron.

Inilarawan din niya ang mga bata bilang ‘superb musicians’.

Dahil sa nakamamanghang rendition, inulan ng papuri at pagbati ang comment section ni Ignacio sa naturang Facebook post.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 83,000 views ang kakaibang version ng Star Wars music theme.

Facebook Comments

From Advertisers