Pansamantalang pagpapasara sa dalawang bus terminal sa QC, pinag-utos ng MMDA

36

Manila, Philippines – Ipinag-utos ng MMDA ang pansamantalang pagpapasara sa dalawang bus terminal sa lungsod ng Quezon.

Ayon kay MMDA chairman Tim Orbos, ito’y dahil sa kabiguan ng RORO bus terminal at Dimple Star Transport na maglagay ng mga komportableng upuan para sa mga pasahero.

Aniya, paglabag ito sa memorandum circular order ng LTFRB.

Bukod dito, hindi sementado ang mga daan sa terminal at walang waiting shed na pwedeng pwestuhan ng mga pasahero.

Maibabalik lang ang operasyon ng dalawang bus terminal kapag nakapag-comply na sila sa mga panuntunan ng LTFRB.
DZXL558

Facebook Comments