Pansariling interes ng ilang kandidato, pinuna ni PBBM

Pinuna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang tunay na layunin ng ilang partido sa pagtakbo nito sa Halalan 2025.

Ayon kay Pangulong Marcos, puro pansariling kapakinabangan lamang ang nais ng iba kaya sila kumandidato.

Ibang iba aniya ito sa layunin ng administrasyon dahil walang ibang iniisip ang ibang mga kandidato kundi kung papaano iaangat ang kanilang sarili.


Dahil dito, hirap makabuo ng mabigat na ticket ang ibang partido at idinadaan na lamang sa pasayaw-sayaw at kung ano-ano ang sinasabi sa kampanya.

Importante aniyang unahin ang pagsiserbisyo publiko sa pagtakbo tulad na lamang ng kaniyang mga pambato sa pagka-Senador.

Facebook Comments