Panukala na pagbibigay proteksyon sa mga taga-media, pasado na sa sub-committee ng Kamara

45

Malapit na ring iakyat sa plenaryo ng Kamara ang panukala na magbibigay ng full-protection sa media workers.

Ito ay matapos makalusot sa Sub-committee on Labor and Employment ang House Bill 2476 o ang Media Workers’ Welfare Act.


Sa ilalim ng panukala ay titiyakin ang pagkakaroon ng tamang sahod, security of tenure, mabibigyan din ng hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo ang isang media worker.

Ayon kay Assistant Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran, isa sa may-akda ng panukala, itinuturing itong game changer na magpapalakas para sa mga tinaguriang miyembro ng Fourth Estate.

Sa ilalim nito, ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa dangerous at hazardous events o situations ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod.

Magkakaroon din ng ₱200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag.




Bibigyan din ng mga protective equipment ang media workers tulad ng bullet proof vests at helmets gayundin ang medical grade Personal Protective Equipment (PPE) sa tuwing magco-cover sa mga hazardous areas.

Bubuo rin ng Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga taga-media.

Iginiit ni Taduran na isang katotohanan na maraming media workers ang underpaid at wala ring ibinibigay na proteksyon mula sa kanilang mga kumpanya.

Facebook Comments