Panukalang 2020 Nat’l Budget, tiniyak na maipapasa sa Oktubre

60

Tiniyak ng mga incoming leaders ng House of Representatives na maaaprubahan ang panukalang 2020 National Budget sa Oktubre.

Ayon kay Camarines Sur Representative Luis Raymund Villafuerte – maipapasa nila ang budget bill bago ang traditional break sa Oktubre sa ilalim ng liderato ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano.


Ang maagang approval ng budget ay magbibigay ng sapat na oras sa Senado para ipasa ang kanilang bersyon sa Disyembre upang makabuo ang common version na ipapasa kay Pangulong Duterte bago matapos ang taon.

Paniniguro rin ng mambabatas na hindi mangyayari ang reenacted budget.

Facebook Comments

From Advertisers