Panukalang anti-dynasty bill, prayoridad na maging batas

Manila, Philippines – Prayoridad ng PDP – Laban na maging batas ang panukalang anti-dynasty bill.

Ito’y sa sandaling maamyendahan ang ating saligang batas.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel – isa lamang ito sa mga political reform na gustong isulong ng PDP-Laban kung saan babaguhin ang saligang batas para palitan ang sistema ng gobyerno mula sa unitary patungo sa federal system.


Sa ilalim ng Pederalismo – babaguhin na ang requirements sa mga presidential candidate at magtalaga ng tig-isang Court of Appeals bawat rehiyon para sa mabilis na pagresolba ng mga kaso sa bansa.

DZXL558

Facebook Comments