
Nagpahayag ng suporta ang Bureau of corrections (BuCor) kay Senator-Elect Erwin Tulfo sa pagreporma ng Philippine correctional system.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., gagawa ng batas si Tulfo upang pag-isahin ang penology at correctional system sa bansa.
Ani Catapang, prayoridad din umano ng panukalang batas ang pagpapalaya sa mga may sakit na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit sa mga pasilidad ng BuCor.
Kasunod nito, nais tiyakin ng ahensya na magamit ang kinakailangan budget upang mapadali ang mga kinakailangang pag-upgrade sa mga pasilidad at mapahusay ang access naman sa lahat ng bilangguan.
Facebook Comments