Panukalang batas para sa 5-taong validity ng PRC ID, pinapasertipikahang urgent kay PBBM

Nananawagan si House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairperson at Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sertipikahang urgent ang House Bill 9764.

Ito ang panukalang magpapalawig hanggang limang taon sa validity o bisa ng Professional Regulation Commission o PRC Identification Cards mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Ang nabanggit na panukala ay nakapasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara noong nakaraang taon.

Ayon kay Tutor, naipadala na sa Senado ang panukala noong pang February 22, 2024 pero hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin Senate Committee on Professional Regulation.

Paliwanag ni Tutor, magbabalik ang session ng kongreso sa June 2 na tatagal lang ng ilang araw kaya baka hindi maipasa ng Senado ang panukala kung hindi ito sisertipikahang urgent ng pangulo.

Facebook Comments