Panukalang batas para sa kapakanan at proteksyon ng mga DRRM workers, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Parañaque 2nd District Representative Brian Raymund Yamsuan na mapahusay ang working condition at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawang tumutugon tuwing may mga kalamidad na tumatama sa bansa tulad ng lindol, mga bagyo at iba pang trahedya.

Nakapaloob ito sa inihain ni Yamsuan na House Bill 5239 o panukalang Magna Carta for Public Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Workers.

Iniuutos ng panukala ang pagbibigay sa mga public DRRM workers ng hazard allowance, protective equipment, libreng bakuna at prophylactic medicines, kompensasyon sa pinsala at pagkakasakit na bunga ng pagtupad nila sa tungkulin.

Diin ni Yamsuan, napakahalaga ng trabaho ng DRRM workers bilang mga disaster response and risk reduction frontliners kaya’t dapat lang na pahalagahan at pangalagaan ang kanilang kapakanan.

Ayon kay Yamsuan, ang pagkakaloob sa kanila ng mga karampatang benepisyo ay magsisilbing incentive at inspirasyon para magpatuloy sa kanilang propesyon bilang mga tagapagligtas ng ating mga komunidad mula sa mga kalamidad.

Facebook Comments