Sunday, April 12, 2026

Panukalang buwagin ang travel tax, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill 8464 o panukalang Travel Tax Abolition Act of 2026 na layuning alisin ang travel tax na sinisingil sa mga pasahero ng eroplano na bumabiyahe palabas ng bansa.

Sa kaniyang sponsorship speech sa plenaryo ng Kamara ay binigyang diin ni House Committee on Tourism Chairman at Romblon Rep. Eleandro Jesus Budoy Madrona na malaking kabawasan ito sa gastos ng mga Pilipinong bumabiyahe.

Diin pa ni Madrona, makakatulong din ito sa pagpapasigla sa turismo, economic activity at cultural exchange.

Dagdag pa ni Madrona, may mga safeguards na nakapaloob sa panukala para matiyak ang alokasyon at suporta ng gobyerno sa mga programa na pinopondohan mula sa nakokolektang travel tax.

Facebook Comments