Panukalang emergency powers, hindi pa rin naibibigay ng senado kay Pangulong Rodrigo Duterte

Manila, Philippines –Hindi pa rin ibinibigay ng senado ang panukalang emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang problema sa trapik bago mag-break ang Kongreso sa March 17.

 

Paliwanag ni Senate Committee on Publics Services Chairperson Sen. Grace Poe – hindi pa rin tapos ang deliberasyon dahil maraming senador ang gustong magtanong ukol sa mga probisyon ng panukala.

 

Pinaalalahanan na ni Poe ang mga kapwa senador na mawawalan ng silbi ang prinsipyo ng emergency power kung hindi ito agad maipasa.

 

Bilang pinuno ng komite, iminungkahi ng senadora ang pagpasa sa senate bill no. 1284 o “an act compelling the government to address the transportation and congestion crisis through the grant of emergency powers to the President.”

 

Inisponsoran na ni Poe ang panukala para sa plenary approval noong December 14, 2016 pero nakabinbin pa rin ito dahil nais ng ilang senador na magtanong pa sa panukala.

Facebook Comments