Panukalang federalism at cha-cha, buhay pa rin – DILG

Nananatiling buhay para sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang panukalang pederalismo at charter change.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya – nakatakdang magpatawag ang Pangulo ng forum sa susunod na linggo.

Sinabi naman ni DILG Secretary Eduardo Año – mahalaga rin ang suporta ng mga economic managers.


Suportado rin ng kalihim ang pagpapalawig ng termino ng mga lokal na opisyal.

Matatandaang hindi binanggit ang cha-cha at panukalang Federal Form of Government sa ika-apat na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang sinabi ng Pangulo na hindi pa ito ang tamang oras para talakayin ang charter change at posibleng hindi na ito umabot sa kanyang termino ang pagpapatupad ng pederalismo.

Facebook Comments