Panukalang ibaba sa 3.5% ang premium contribution rate ng PhilHealth members, lusot na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill 11357 o panukalang mag-aamyenda sa Universal Health Care o UHC Law.

Ito ay para maibaba sa 3.5% mula sa kasalukuyang 5% ang premium contribution rate para sa mga miyembro ng PhilHealth.

191 na mga kongresista ang bomoto pabor panukala at 3 ang tumutol.


Batay sa panukala, ang premium scheme ay i-a-adjust kada taon batay sa actuarial studies at rerepasuhin ng isang independent, non-government body at kailangang aprubahan ng Kongreso.

Inaatasan naman ng panukala ang Department of Health (DOH) at PhilHealth na bumuo ng mekanismo para sa pagpapababa ng premium contribution rates.

Bubuo naman ng UHC Coordinating Council, para mas mapaigting at mapabilis ang implementasyon ng UHC Act.

Facebook Comments