Panukalang MUSLIM ID system, inulan ng batikos

Manila, Philippines – Inulan ng batikos ang panukalang Muslim I-D system.

Ayon kay provincial Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong – magdudulot lamang pagkatakot sa mga muslim ang nasabing panukala.

Dapat aniya tutulan ang mga ganitong hakbang na lilikha lamang ng diskriminasyon.


Nabatid na umusbong ang nasabing panukala kasabay ng nagpapatuloy na gulo sa Marawi City at kasunod ng mga ulat na ilang miyembro ng Maute terror group ang tumakas at nakihalo sa mga sibilyan.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments