Panukalang P4.5-T national budget, “pork-free” ayon kay Speaker Lord Allan Velasco

68

Tiniyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na wala silang isinigit na pork barrel funds sa panukalang ₱4.5 trillion national budget na una nang pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara noong nakaraang linggo.

Ayon kay Velasco, pork-free ang kanilang ipinasang proposed budget kasabay ng pagtatapos nito sa takdang oras sa isinagawang special session na ipinatawag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Paliwanag pa ni Velasco, wala silang ginalaw sa panukalang budget kahit ang mga pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bawat distrito.

Naniniwala siyang patas ang kanilang ipinasa lalo na’t dadaan pa naman ito sa pagdinig sa Senado bago sa bicameral conference committee.

Facebook Comments