Panukalang pagmultahin ang madedeklarang nuisance candidate, pasado na sa Kamara

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 11317 o panukalang patawan ng ₱500,000 na multa ang mga mahahatulang “guilty” sa pagiging “nuisance candidate” o mga panggulong kandidato tuwing eleksyon.

193 ang mga kongresista na bomoto pabor sa panukala at apat ang komontra.

Layunin ng panukala na maproteksyunan ang intergridad ng halalan sa bansa laban sa mga naghahain ng certificate of candidacy (COC) na hindi seryoso sa pagtakbo at nanggugulo lamang sa electoral process.


Itinagtakda ng panukala ang pag-amyenda sa Omnibus Election Code of the Philippines o Batas Pambansa 881 upang palawakin ang depinisyon ng nuisance candidates at isama ang mga naghain ng COC para kumita o tumanggap ng iba pang konsiderasyon.

Sa kasalukuyang batas, ay tanging pagdiskwalipika lamang ang aksyon laban sa mga idinideklarang nuisance candidates pero walang ipinapataw na parusa sa kanila.

Facebook Comments