Panukalang suspendihin ang security assistance ng Amerika sa Pilipinas, nirerespeto ng AFP

477

Dapat patunayan ng United States House of Representatives ang pahayag nilang lumalabag sa karapatang pantao ang mga sundalo at pulis sa bansa.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo, patuloy na sumusunod sa Bill of Rights ang mga sundalo at walang record ng pang-aabuso.

Giit ni Arevalo, hindi patas para sa kanila ang mga pahayag ng US House of Representatives.

Wala naman daw problema sa AFP kung may panukala ang US Congress na suspendihin ang security assistance ng Amerika sa Pilipinas.

Sinabi ni Arevalo, iyon ang desisyon ng mga mambabatas ng Amerika kaya wala namang magagawa ang AFP.

Sa report, 24 na miyembro ng US Congress ang pumabor na suspendihin ang security assistance sa Pilipinas dahil umano sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments