
Ipapasa ng Kamara sa pagbabalik ng session sa Hunyo ang House Bill 11376 o panukalang 200 pesos na umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earners sa pribadong sektor.
Diin ni House Committee on Labor and Employment Chairman at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, sisikapin nila na hindi mauuwi sa wala ang isinusulong na umento sa sahod.
Nakatawid na ikalawang pagbasa ng Kamara ang wage hike bill pero dahil sa “three-session-day rule” ay hindi na ito naihabol na maipasa sa ikatlo at huling pagbasa bago nag-adjourn ang session ng Kongreso nitong Miyerkules.
Ayon kay Nograles, mayroon pang dalawang linggo ang Kamara sa Hunyo bago magsara ang 19th Congress kaya hindi dapat mangamba ang mga manggagawa.
Facebook Comments