
Nangako si Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña na ihahain muli sa 20th Congress ang panukalang pagtaas sa arawang sahod ng minimum wage earners sa pribadong sektor.
Diin ni Cendaña, hindi pa tapos ang laban para mabigyan ng nararapat na sahod ang mga manggagawa sa harap ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyong panlipunan.
Mensahe ito ni Cendaña makaraang hindi maisabatas ngayong 19th Congress ang panukalang P200 na daily wage increase ng Kamara at P100 naman sa Senado.
Giit ni Cendaña, bigo itong matupad dahil sa kawalan ng aksyon ng Senado.
Sinisi rin ni Cendaña ang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa kawalan ng suporta sa legislated wage hike.