Filing ng COC, sa October 1-5 Na!

92

Cauayan City, Isabela – Inilabas na ng Commission on Election o COMELEC ang mga panuntunan nito para sa mga tatakbong kandidato sa May 13, 2019 National at Local election.

Sa inilabas na resolusyon ng COMELEC nitong September 7, 2018 ay nakatakda na ang paghahain ng Certificate of Candidacy o COC ng lahat ng mga kanditato sa national at local sa darating na October 01 hanggang Oct. 05, 2018

Ang kampanya ay nasa loob lamang ng siyamnapung araw para sa mga senator hanggang partylist samantalang tatlumpung araw naman para sa mga kandidato ng congressman hanggang councilors.

Matatapos naman ang kampanya ng mga kandidato sa hating gabi ng May 11,2019.

Samantala ang substitution of candidates kung sakaling may nasawi, umatras ng kandidatura o inalisan ng karapatan ay maaring magsumite ng COC nito hanggang sa November 29,2018.



Facebook Comments