Panunumpa ng mga Bagong Miyembro ng MAC ng PNP Naguilian, Matagumpay na Isinagawa!

44

*Naguilian, Isabela- *Matagumpay na isinagawa ngayong araw ng Pamunuan ng PNP Naguilian ang kanilang pagse-set ng mga bagong miyembro ng Municipal Advisory Council (MAC) na may kaugnayan sa kanilang Performance Governance System at sa kanilang Patrol Action Plan.

Sa mismong pagtutok ng RMN Cauayan, ito ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Garry Macadangdang, ang hepe ng PNP Naguilian kung saan layunin ng kanilang Municipal Advisory meeting na makita ang mga kakulangan at dapat pang gawin ng kapulisan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

Aniya, kailangan umanong makita ang kahandaan ng kanyang tropa kung papaano nila tutugunan ang mga insidenteng maaaring maganap sa bayan ng Naguilian.

Malalaman rin umano ng PNP sa kanilang isinagawang aktibidad kung ano ang kanilang mga kakulangan hinggil sa kanilang pag-iimpliminta ng mga batas upang masolusyunan rin ito ng PNP.

Malaki naman ang pasasalamat ng Hepe dahil sa ipinapakita paring suporta at pakikiisa ng LGU Naguilian, mga brgy Officials maging ang mga mamamayan sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nasabing bayan.

Samantala, patuloy pa rin umano ang kanilang isinasagawang pagpapatrolya at checkpoint sa mga lansangan kung saan marami pa rin umano ang kanilang mga nasisitang motorista na hindi sumusunod sa batas trapiko.

Facebook Comments