PAO, nagluluksa sa pagkamatay ni PACC Chairman Dante Jimenez

58

Nagluluksa ngayon ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagpanaw ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez.

Sa kaniyang Facebook post, tinawag pa ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta si Jimenez na isang alamat at sandigan ng mga biktima.


Magugunitang si Jimenez ay naging katuwang ng PAO sa pagtulong sa pamilya ng mga batang sinasabing namatay matapos na maturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine.

Naging kilala rin si Jimenez sa pagtulong sa mga pamilya na biktima ng mga karumal-dumal na krimen.

Una nang inanunsyo ng kanyang pamilya ang pagpanaw ni Ka Dante sa edad 68 dahil sa Aortic Aneurysm.

Facebook Comments