PAO, nagpapasaklolo sa DOJ kaugnay ng pagtapyas ng Senado sa kanilang forensic budget

98

Dismayado ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pagtapyas ng Senado sa 2021 budget ng PAO Forensic Laboratory.

Ayon kay PAO Chief Persida Rueda-Acosta, tiyak na mapipilay ang kanilang operasyon sa pagtulong sa mga biktima ng Dengvaxia vaccine.


Kaugnay nito, umapela si Acosta kay Justice Secretary Menardo Guevarra na tulungan silang maibalik ang tinapyas na pondo ng PAO Forensic Laboratory.

Una nang tumanggi si Secretary Guevarra na manghimasok sa nasabing usapin dahil legislative prerogative aniya ito at labas na dito ang DOJ.

Kinumpirma rin ng kahilim na ang tinapyas na pondo para sa PAO Forensic Laboratory ay inilipat sa NBI forensic.

Facebook Comments