Paolo Duterte, Atty. Manases Carpio hindi tinanggap ang alok na settlement ng kampo ni Trillanes

Sinopla nina presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at kanyang bayaw na si Atty. Manases Carpio ang alok ng kampo ni Senator Antonio Trillanes IV na magkaroon na lamang ng settlement.

Ito ay kaugnay sa isinampang four-counts ng libel nina Carpio at Duterte laban kay Trillanes sa Davao City Regional Trial Court Branch 54.

Iginiit nina Polong at Carpio sa Trillanes camp na tuloy ang kaso laban sa senador.


Nabatid na inakusahan ng senador si Polong ng korapsyon at pangingikil sa mga kumpanya na under regulation ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Road Board at ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments