Paolo Duterte, may resbak sa mga nagkalat ng maling impormasyong isinugod sa ospital si PRRD

2930

Binanatan ni presidential son at incoming Davao First District Representative Paolo Duterte ang mga nagkakalat ng maling impormasyon na ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ay isinugod sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa cardiac arrest.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Pulong na magpakamatay na lang ang mga taong humihiling ng medical bulletin ng Pangulo.


Dagdag pa ng nakababatang Duterte sa mga ito na huwag masyadong magmadali at mag-antay na lamang ng susunod na eleksyon.

Matatandaang nag-post si senator-elect Bong Go ng mga litrato sa kanyang Facebook account para ipakitang nasa maayos ang kalagayan ng Pangulo habang nagbabasa ng diyaryo sa Bahay Pagbabago sa Malacañan Park.

Facebook Comments

From Advertisers