Papal Nuncio, nagpapasalamat sa mga Pilipino sa maayos at matiwasay na pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno

Nagpapasalamat si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa lahat na gawing posible ang listas at matagpumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Sa misa sa Quiapo Church, nagpapasalamat si Brown sa mga volunteers na matindi ang ginawang trabaho para matiyak na maisasagawa ang pista sa harap ng banta ng COVID-19 sa ligtas na pamamaraan.

Nakiusap naman si Quiapo Church Rector Monsignor Hernando Coronel sa mga mananampalataya na isabuhay ang pagiging Katoliko, tanggapin ang mga sakramento at mamuhay sa ilalim ng mga turo ni Kristo.


Facebook Comments