PAPALAKASIN | Implementing Rules and Regulations ng Small Town Lottery, nirerebisa na ng PCSO

Manila, Philippines – Isinasailalim na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa revision ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Small Town Lottery (STL).

Ito ay bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa illegal gambling.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan, ang pagrebisa ng IRR ay para mapalakas pa ang operation ng STL at gumanda ang revenue collections ng ahensya.


Pero sinabi ni Balutan, pansamantalang magkakaroon ng mahinang revenue collection mula sa STL dahil ilang authorized agent corporations ay paparusahan dahil sa mga paglabag nito sa IRR.

Mula nitong Enero at Pebrero, nakakolekta ang PCSO ng apat na bilyong piso mula sa kasalukuyang 85 STL corporations.

Facebook Comments