
Matapos ang 2025 midterm election ay tinututukan na agad ng mga lider ng Kamara ang paghahanda para sa papasok na 20th Congress sa Hulyo.
Ayon kay House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez, ito ang agenda ng pulong kamakailan na dinaluhan ng mga lider ng iba’t ibang partido politikal sa Mababang Kapulungan.
Sabi ni Suarez, pangunahing pinag-usapan sa pulong ang mga hakbang para sa bagong Kongreso, na nakatuon sa pagpapatuloy ng mga gawain sa lehislatura at suporta sa Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Binanggit ni Suarez na tinalakay din sa pulong ang mga trabaho na maaaring ihabol sa nalalabing panahon ng 19th Congress.
Facebook Comments