PARA MAIWASAN ANG TRANSMISSION LGU KALIBO NAGLUNSAD NG ONLINE PRE-REGISTRATION PARA SA MGA KALIBONHON NA GUSTONG MAGPABAKUNA NG COVID VACCINE

14

Kalibo, Aklan – Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Kalibo ang online pre-registration para sa mga Kalibonhon na gustong magpabakuna ng covid vaccine ito’y para maiwasan ang local transmission. Naglaan na kasi ng paunang P50 million ang lgu Kalibo pambili ng AstraZeneca vaccines mula sa British drug pharmaceutical company na siyang gagamiting bakuna para makuha ng Kalibonhon ang immunity laban sa nasabing virus. Plano ng Lgu Kalibo na mabakunahan man lang ang 70% ng 86,000 populasyon nito. Ayon naman kay Kalibo Mayor Emerson Lachica, napaghandaan na umano nila ang araw ng pagdating ng mga bakuna sa paraan ng pagsagawa ng simulation exercise ayon sa transportasyon ng mga bakuna ganon din ang araw mismo ng vaccination na gagawin sa napagkasunduang vaccination sites.

Facebook Comments