PARA SA HUSTISYA? | Mga militanteng grupo, magsasagawa malawakang ng kilos protesta sa linggo

45

Manila, Philippines – Magsasagawa ng malawakang kilos protesta sa linggo, Disyembre 10 sa Liwasang Bonifacio ang iba’t-ibang militanteng rupo kasabay ng International Human Rights Day.

Layon ng protesta na maipaabot sa pamahalaan ang hinihiling na hustisya para sa mga biktima ng human rights violation gaya ng lumad killings at extra judicial killing.

Bukod sa human rights violation, ipapanawagan rin nila ang issue ng, militarisasyon, martial law, jeepney modernization program, enhanced defense cooperation agreement at banta ng revolutionary government.

Facebook Comments