PARA SA MGA OFW | P-Duterte, handang ibenta ang kaluluwa sa demonyo kapalit ang pagtugon sa pangangailangan ng mga OFW sa Kuwait

119

Manila, Philippines – Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta ang kaniyang kaluluwa sa mga demonyo matiyak lamang na matugunan ang pangangailangan ng mga umuwing Pinoy workers mula sa bansang Kuwait.

Sa talumpati ng Pangulo sa oath taking ng mahigit isandaang presidential appointees, sinabi nito na hindi niya masikmura ang ginawang pangmamaltrato at panggagahasa ng mga dayuhang employer sa mga Pinoy workers.

Aniya, hindi siya mag aautubili na ubusin ang pondo ng gobyerno para sa mga OFW.

Kasabay nito, ibinunyag ng Pangulo na mayroong tatlong Kuwaiti officials ang naghihintay sa kanya para ayusin ang isyu sa Pinoy workers sa Kuwait.

Kaya hahayaan aniya niyang maghintay ang mga ito dahil wala na siyang ganang kausapin ang mga ito.

Facebook Comments