PARA SA OFW’S | “Reverse Job Fair”, inihahanda na ng DOLE

36

Manila, Philippines – Pinaghahandaan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang planong “reverse job fair” para sa mga Overseas Filipino.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, binuo ng ilang mga opisyal ng DOLE ang proyekto na naglalayong himukin ang mga OFW’s na bumalik na sa bansa at dito nalamang magtrabaho,

Target umano nito ang mga nasa construction works para makatuwang ng gobyerno sa “build – build – build program.”

Layunin din ng proyektong ito na muling makasama ng mga manggagawa mula sa ibang bansa ang kanilang mga pamilya, at maipakita sa lahat na may oportunidad at maayos na trabaho sa Pilipinas.

Facebook Comments