Parañaque City, nakapagtala na rin ng 3 kaso ng variant ng COVID-19

Nakapagtala na rin ang Parañaque City ng tatlong kaso ng South African variant ng COVID-19.

Ang tatlong kaso ay returning Overseas Filipino Workers (OFWs) at sila ay naka-isolate na ngayon.

Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, maging ang kanilang close contacts ay naka-quarantine na rin.


Patuloy naman aniya ang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha ng mga ito.

Facebook Comments