
Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame sinabi ni Parañaque City Police Chief PCol. Nicholas Piñon na makikipag-ugnayan na sila sa PNP- Civil Security Group upang alamin kung bakit nabigyan ng lisensiya sa baril ang suspek sa Paranaque shooting.
Ayon pa sa kanya, kasama na rin dito ang pag-iimbestiga kung nagkaroon ng lapses ang security ng nasabing condominium.
Nabatid na narekober sa suspek ang dalawang baril, isang 9mm pistol at isang shotgun nang siya ay maaresto ng mga awtoridad.
Kaugnay naman ng kanyang dating kaso na homicide kung kaya’t hindi siya mahuli gayung 2023 pa inisyu ang warrant ay napag-alaman ng mga awtoridad na nilalagyan umano nito ng tape ang kandado para magmukhang walang tao sa kanyang unit.
Samantala, naisampa na nitong Sabado sa nasabing suspek ang kasong 2 counts ng murder, 4 counts ng frustrated murder at paglabag sa RA Act No. 10591 o the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.










