PARANGAL | 8 paliparan sa bansa, binigyan ng pagkilala

Manila, Philippines – Kasabay ng International Aviation Day, pinarangalan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang ilang paliparan at airline companies na natatangi sa bansa.

8 airport terminal sa bansa ang binigyang pagkilala dahil pasok ang mga ito sa Official Aviation Guide, isang United Kingdom base website kung saan nagmo-monitor sa mga airport data.

Kasama dito ang Iloilo International Airport na naka kuha ng Star Rating On Time Performance, kabilang din ang NAIA, Bacolod, Kalibo, Laguindingan, Tacloban, Davao at Puerto Princesa Airport.


Special award ang iginawad sa Philippine Airlines dahil sa natatangi nilang serbisyo sa kanilang mga pasahero.

Nagpapasalamat naman si MIAA General Manager Ed Monreal, dahil kinikilala ang kanyang pamumuno sa paliparan pero hindi aniya nangangahulugan ito na titigil na sila sa pagbibigay ng improvement dahil marami pa aniya silang dapat na i-enhance sa ibat ibang paliparan sa bansa.

Facebook Comments