PARANGAL | PNP Chief dela Rosa, gagawaran ng Indonesian National Police ng Medal of Honor bukas

124

*Manila, Philippines – Gagawaran ng Indonesian National Police ng pinakamataas na parangal na Bintang Bhayangkara Utama o Medal of Honor si PNP Chief Police Directo General Ronald Bato Delarosa.*

*Ayon Kay PNP Spokesman Police Chief Supt John Bulalacao, bukas araw ng mga puso, natakdang tanggapin ni Delarosa ang parangal sa Jakarta Indonesia. *

*Ibibigay ng Pangulo ng Indonesia ang parangal kay Dela Rosa para sa kanyang malaking kontribusyon sa pagsulong ng seguridad ng Pilipinas at Indonesia. *

*Ang PNP at Indonesian National Police ay kapwa miyembro ng ASEANOPOL o ASEAN Association of Police Chiefs, na may matibay na kooperasyon sa maritime border patrol, anti-terrorism, anti-piracy, anti-smuggling, anti-transnational crime, anti-illegal drugs at anti-trafficking in persons.*

*Kasama ni Dela rosa sa makakatanggap ng prestihiyosong parangal ay ang Minister for Home Affairs ng Singapore, ang Commissioner ng Australian Federal Police, ang Commissioner ng Royal Brunei Police Force, ang Inspector General ng Royal Malaysia Police, ang Commissioner ng Singapore Police, at ang Director ng Internal Security Department ng Singapore.*

Facebook Comments