Paratang na muling tumataas ang kaso ng ilegal droga, ibinalik ng Malacañang kay FPRRD

Ibinalik ng Malacañang kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paratang nito sa administrasyong Marcos na tumataas na naman ang krimen at bumabalik ang illegal na droga sa Manila, Cebu at Davao.

Sa Malacañang press briefing, kwinestyon ni PCO USec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro kung sino ba ang namumuno sa Davao City.

Kung kasama aniya ang Davao City sa mga lugar na muling nagiging aktibo ang droga, malinaw lamang na hindi episyente si Mayor Sebastian Duterte bilang alkalde ng lungsod.

Paano rin aniya masasabi ni Duterte na mataas ang kaso ng ilegal na droga kung wala naman itong hawak na datos para patunayan ito.

Ikinumpara rin ni Castro ang dating administrasyon sa panahon ng administrasyong Marcos kung saan may mga record ang otoridad kung may namamatay sa ilegal na droga.

Hindi aniya ito katulad noong Duterte administration na walang record ang nawawalang mga tao.

Facebook Comments