Sunday, June 14, 2026

Paratang ng mga ex-marines, kasinungalingan, political theater at pamumulitika ayon kay Rep. Adiong

Mariing itinanggi ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na tumanggap siya ng maleta na naglalaman ng pera o anumang bagay kaninuman at wala din syang “pinulot” saan mang lugar.

Diin ni Adiong, ang mga isiniwalat ng ex-marines sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ay pawang kasinungalingan, bahagi ng political theater at pamumulitika.

Ayon kay Adiong ang listahan ng mga tumanggap umano ng maleta na binasa sa pagdinig ay produkto ng pamumulitikang nababalot ng galit.

Diin ni Adiong, isa itong desperadong pagtatangka na makalikha ng ingay, mapatahimik ang mga tunay na boses na nagsusulong ng pananagutan at ilihis ang Kongreso sa tamang landas.

Naniniwala si Adiong na ang nabaggit na mga mga paratang ay sadyang ginawa upang maging distraction mula sa kanilang mahalagang konstitusyonal na tungkulin ukol sa papalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Bunsod nito ay nananawagan si Adiong na tama na ang drama at mainam na bumalik na silang lahat sa pagta-trabaho.

Facebook Comments