Parents o guardian consent, mahalaga para sa libreng bakuna ng mga bata – DOH

Maaari lamang mabakunahan ang mga bata kapag may pahintulot mula sa mga magulang o guardian.

Ito ay sa ilalim ng Free Immunization Program ng gobyerno.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – patuloy silang magbibigay ng libreng bakuna sa mga estudyante mula kinder hanggang grade 7.


Hinihikayat din ang mga magulang at caregivers na mag-avail ng free immunization services upang maprotektahan ang kanilang mga anak mula sa vaccine-preventable diseases.

Target ng Department of Health o DOH na makapagbakuna sa 9.9 million schoolchildren.

Magpapatuloy ang immunization program hanggang Setyembre.

Facebook Comments