Pares na binabalik-balikan ng mga suki, tampok sa Business as Usual

37

Murang-mura na pagkain pero masarap at nakakabusog.

Ito ang iniaalok ng tampok ngayon sa Business as Usual na Pares at Sinangag.


Kaya naman sa interview ng RMN Manila, ibinahagi ng owner nito na si Ronald Cruz na sa loob lamang nang tatlong buwan mula nang buksan nila ito ay marami na silang customers na bumabalik para umorder.

Kwento ni Cruz, malaking tulong ang feedbacks ng kaniyang mga kaibigang marunong magluto para maging perpekto ang kaniyang pares lalo na’t wala siyang ideya noon sa pagluluto nito.

Sa ngayon, marami na rin aniya silang suki na paborito na ang kanilang classic na Pares na partner ng kanilang Chao Fan.

Facebook Comments