Pari, inaresto ng CIDG sa Batangas

Dinakip ng mga operatiba ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang 57 anyos na pari sa St. Mary Magdalene House, Caleruega Road, Nasugbu, Batangas.

Kinilala itong si Fr. Winston Fernandez Cabading, parish priest ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism dahil sa paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code (Offending Religious Feelings)

Inakusahan si Fr. Cabading na kinukutya ang aparisyon ni Blessed Virgin Mary.


Inilabas ang warrant of arrest laban kay Fr. Cabading ng QC court kung saan P18,000.00 ang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, agad dinala ang pari sa CIDG Southern DFU office para sa documentation at proper disposition.

Facebook Comments