PARKING FEES | Atty. Ferdinand Topacio, ipapatawag din ng Ombudsman

Manila, Philippines – Ipapatawag din ng Ombudsman Field Investigation Office si Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng parking fees controversy sa Office of the Ombudsman.

Bukod ito kay Atty. Edna Batacan na nauna nang nagbunyag sa Judicial and Bar Council na maging siya ay nagbayad din ng parking fee sa Ombudsman.

Nag-isyu na ng subpoena ang Ombudsman kina Topacio at Batacan kung saan sa august 16 ay sisipot si Topacio sa field investigation office habang sa August 17 naman mag-a-appear si Batacan para magbahagi ng kanilang nalalaman hinggil sa nasabing katiwalian


Ayon kay Martires, nais nyang malaman kung sinong emplyeyado o opisyal ng office of the Ombudsman ang nasa likod nito para mapanagot sa batas.

Ang parking fee ay para iparada o hindi isalang sa imbestigasyon ang isang kaso laban sa isang opisyal ng gobyerno hanggang sa ibasura na lang ito sa tagal ng pagkakabinbin.

Facebook Comments