PAROJINOG DRUG CASE | NBI, hindi muna papasok sa imbestigasyon ng pagpatay kay Judge Pintac

235

Dumistansya muna ang NBI sa imbestigasyon sa pagpatay kay Judge Edmundo Pintac ng Ozamiz City, Misamis Occidental.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra ipauubaya na muna nila sa PNP ang pagresolba sa nasabing krimen.

Gayunman nakahanda aniya ang NBI na tumulong sa imbestigasyon sakaling kailanganin.

Si Judge Pintac ay pinagbabaril pasado alas kwatro ng hapon kahapon.

Ang nasabing hukom ang may hawak sa Parojinog drug case.

Facebook Comments