Partidor, Patay sa Pananaksak ng 2 Kapitbahay!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang partidor matapos na pagsasaksakin sa kanyang leeg ng mismong kapitbahay nito pasado alas 8:00 kagabi sa Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Dalmacio Larioso, 45 anyos, may asawa, residente sa nasabing lugar habang kinilala naman ang mga suspek na sina Virgo Co lumbano, 32 anyos, binata, isang roomboy at Georgie Columbano, 36 anyos, binata, welder at kapwa residente sa nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, papasok na sana sa trabaho ang biktima n ang sundan ito ng dalawang kapitbahay na suspek.


Kumuha umano ng bato ang biktima at ibinato sa isang suspek na sanhi naman upang siya’y pagtulungang hampasin ng kahoy ng dalawang suspek.

Nang hindi pa makuntento ang mga suspek ay kumuha ang mga ito ng patalim at isinaksak sa leeg ng biktima hanggang sa ito ay mamatay.

Nakuha naman sa pag-iingat ng biktima ang dalawang kutsilyo at mga personal nitong gamit habang dinala naman sa pagamutan si Virgo dahil sa tinamong sugat sa paa.

Nasa kustodiya naman ng pulsiya si Georgie para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon.

Samantala, sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa pamangkin ng biktima na si Rosalinda Lariosa, 19 anyos, alitan at inggit umano ang nakikita nitong motibo sa pagpatay sa kanyang tiyuhin dahil simula pa noon ay mayroon nang alitan ang kanilang pamilya at sa mga suspek.

Facebook Comments