Party drugs, hindi ginagawa sa Pilipinas – PNP

60

Walang manufacturing ng party drugs sa bansa.

Ito ang iginiit ng Philippine National Police (PNP) sa harap ng mga nakukumpiskang droga sa mga isinasagawang operasyon.


Ayon kay PNP Chief Police General Debold Sinas, ang mga nasasabat na party drugs ay mula sa ibang bansa, partikular sa Estados Unidos at The Netherlands.

Batid ni Sinas na marami ang gumagamit ngayon ng party drugs kabilang na ang high grade marijuana kaya nila ito tinututukan.

Katuwang nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbabantay.

Facebook Comments