Partylist Coalition, magbababa ng desisyon sa susuportahang speaker sa mga susunod na linggo

Magbababa na ng desisyon ang Partylist Coalition sa mga susunod na Linggo sa kung sinong susunod na House Speaker na susuportahan sa 18th Congress.

 

Ayon kay Partylist Coalition President Mikee Romero, sa loob ng dalawang linggo ay pipili na ang kanilang grupo kina Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Taguig Rep. Alan Peter Cayetano, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales.

 

Samantala, sinabi naman ng miyembro na si Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat na nasa proseso pa rin sila ng deliberasyon ng pagpili ng Speaker.


 

Kung siya ang tatanungin nais niya ang Speaker na magsusulong ng mga karapatan ng mga magsasaka at iba pang mga isinusulong ng mga Partylists groups sa Kamara.

 

Tiwala din ito na kahit magkaroon man ng pagkakaiba sa nais na Speaker, nagkakaisa sila sa Partylist Coalition na bloc voting ang pairalin sa pagpili ng lider ng Kamara.

Facebook Comments